Iniulat ng isang miyembro ng United Nation (UN) Peacekeepers na plantsado na ang seguridad sa pagbisita ni Pope Francis sa bansa sa Enero 15 hanggang 19.

Inihayag ni Sgt. Samuel Save, kasapi ng Philippine Contingent to Golan Heights (PCGH), na nakabakasyon pa ang kasamahan niyang 300 peacekeepers at karamihan ay nasa standby mode sa Metro Manila.

Ayon kay Save, sa kabila na isang malaking misyon ang pagbigay ng seguridad sa pinakamataas na lider ng Simbahan Katoliko ay hindi naman sila nababahala dahil sana’y na sila sa mga ganitong malaking gawain. Umaasa rin sila na magbibigay ng inspirasyon sa kanilang mga sundalo ang pagdating ng Papa.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente