BANGKOK (AP) — Inaresto ng mga pulis sa Thailand ang isang lalaking Pakistani na nahatulan sa India sa pambobomba na ikinamatay ng isang chief minister sa India at 15 pang katao.

Si Gurmeet Singh, isa sa anim na militanteng Sikh na nahatulan sa pagpapasabog noong 1995, ay nakatakas sa isang high-security na kulungan sa India noong 2004 bago siya mahatulan ng habambuhay noong 2007.

Sinabi ni Thai National police spokesman Lt. Gen. Prawut Thawornsiri na pumasok si Singh sa Thailand noong Oktubre at inaresto sa silangang lalawigan ng Chonburi noong Lunes. Pinoproseso na ang extradition ng 37-anyos na suspek pabalik sa India.
National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3