Coco-Direk-Chito-at-Kris-copy

FINALLY, naka-P200M na ang Feng Shui 2 kaya solved na si Kris Aquino dahil ito naman talaga ang ipinagdasal at hiniling niya kahit hindi sila mag-number one sa box-office income sa 2014 Metro Manila Film Festival.

Kahapon, nag-post si Kris sa kanyang Facebook official account na as of January 4, 5 PM, ay kumita na ng P200.8M ang Feng Shui kasabay ang kanyang pasasalamat sa mga manonood:

“When I prayed for Feng Shui, I asked God to bless our hard work & please reward Direk @chitorono & @mr.rodelnacianceno (Coco Martin) for their trust in me for sharing financially w/ our production cost.

Generals nag-walk out daw sa isang command conference; AFP, nagsalita na

“I told Coco, prayer ko talaga that Feng Shui will be his 1st P200 million movie because the Primetime King should also be certified movie royalty. And Direk Chito & I silently held our breath to see if Feng Shui could surpass the 1st installment as well as our Sukob.

“Thank You for entrusting us w/ your hard earned Christmas money. Thank You for making us so grateful for the fruits of our labor. Thank you to all of you who gave us 2 hours of your time to be part of the Feng Shui experience. Thank You! #grateful #blessed #humbled #JOY.”

Samantala, malaki ang lamang ng Praybeyt Benjamin sa Feng Shui dahil as of January 4 ay naka-P380M na ito.

Wala namang nakarating sa amin kung nakakamagkano na ang My Big Bossing ni Vic Sotto na nanatiling nasa ikatlong puwesto.

Ang English Only Please na kasalukuyang nasa ikaapat na puwesto ay lampas na raw sa P100M.

Nakamagkano naman kaya ang Kubot: Aswang Chronicles, Shake Rattle Roll, Bonifacio at Muslim Magnum .357?