Hinimok ng Department of Health (DOH) ang mga nasugatan sa paputok na kumonsulta sa doktor o sa health center upang mabakunahan laban sa nakamamatay na tetano.

Ayon kay Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, kahit maliit lamang ang natamong sugat mula sa paputok ay mas makabubuting malapatan ito ng kaukulang lunas dahil maaari pa rin itong pagmulan ng tetano.

“Ang mga tinamong lapnos o sugat sa mga paputok ay maaaring may taglay na lason ng TETANUS KAYA KELANGAN magpa-ANTITETANUS SHOTS sa ospital,” payo ni Tayag, gamit ang kanyang Twitter account na @erictayagSays. “Lahat ng sugat dahil sa paputok ay kelangan madala sa ospital upang ito ay malinis nang mahusay Iwas impeksyon at proteksyon kontra TETANUS.”

Giit ni Tayag, hindi dapat na balewalain ang tetano dahil maaari itong makamatay. Makikita lamang aniya ang sintomas makalipas ang ilang araw.

National

Makabayan bloc, pinuna balak ni FPRRD na maging abogado ni VP Sara: 'Desperate political maneuver!'

Mary Ann Santiago