Isang magkapatid na paslit ang nasawi sa sunog na tumupok sa kanilang barung-barong sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Namatay habang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center sina Princess Apple Sta. Maria, 5; at Anna Marie Sta. Maria, 2, kapwa ng F. Yuseco at Batangas Streets, Tondo, dahil sa tinamong third degree burn.

Batay sa ulat ng Manila Fire Bureau, dakong 2:00 ng umaga nang nagsimula ang sunog sa bahay ng mga biktima.

Nagkataon naman umanong wala ang ina ng mga biktima na si Josephine, 34, sa bahay dahil lumabas ito upang bumili ng pagkain.

National

MMDA gagamit ng high-tech mobile command center sa SONA

Laking panlulumo naman ng ginang nang pagbalik ay makitang nagliliyab na ang kanilang bahay at nasa loob ang kanyang mga anak.

Nagtulung-tulong naman ang mga residente sa pag-apula sa apoy at nang mailabas ang mga bata mula sa bahay ay kaagad na isinugod sa pagamutan, ngunit idineklarang patay dakong 9:00 ng umaga.