WALA nang dapat ipag-aalala ang mga tagahanga sa kalagayan ni German “Kuya Germs” Moreno dahil nagpahayag ang kanyang anak na si Federico Moreno na stable na ang kalagayan ng master showman pagkatapos nitong magkaroon ng mild stroke last January 2.
“He’s improving very well. Food intake better today. Very faint improvement with his right hands and finger. At least he slept well last night. High spirits than yesterday. All is well with Papa,” nakasaad sa ipinadalang mensahe ni Federico sa The Buzz last Sunday.
Nasa Acute Stroke Unit (ASU) pa rin ng St. Luke’s Medical Center si Kuya Germs kahit umiigi na ang pakiramdam dahil kailangan niya ang sapat na pahinga. Over-fatigue ang sanhi ng kanyang mild stroke. As of presstime, wala pang pinapayagang bisita o dalaw sa bedside ng veteran host.
Sumasailalim din sa therapy si Kuya Germs para maigalaw nang normal ang kanyang right leg at right arm. Apektado rin ang kanyang boses kaya’t isa ito sa mga tinututukan sa pagpapatuloy ng kanyag therapy. Kailangang manumbalik ang kalusugan ng star builder dahil mayroon siyang show, ang Master Showman: Walang Tulugan at programa sa BZBB tuwing hapon
Sa umpukan ng ilang press people, nagkakabiruan na dapat ay “Master Showman” na lang ang titulo ng programa ni Kuya Germs dahil kailangan din nitong matulog nang maaga at magpahinga.
Pero ang totoo, taped as live na ang nakaraang episodes ng Master Showman, Walang Tulugan. Hatinggabi na kasi nagsisimula ang show at hindi na kaya ni Kuya Germs ang magdamagang puyat.
Isa ito sa mga hinanakit ni Kuya Germs noon pa sa GMA-7, ang ‘di kagandahang slot ng kanyang programa, kapag patulog na ang mga manonood.
Heto pa ang isang nakakatawang suggestion ng ilang beki. “Bakit ‘di na lang ipalit ang show ni Kuya Germs sa Sunday All Stars? Tutal, mas nagri-rate ang show ni Kuya Germs kaysa sa SAS?” sabay tawanan ng barkadahang beke.
Oo nga naman, may punto at saysay ang ilang kafederacion sa pagpapalit ng show.