Nag-buena mano sa bagong taon ang kilabot na “resto gang” nang nilooban ang isang kilalang food chain sa Quezon City noong Linggo ng umaga.

Base sa report ni P/Insp. Vicente Tayo ng Kamuning Police Station 10, dakong 7:00 ng umaga nang holdapin ng pitong armadong lalaki ang Kenny Rogers Restaurant sa kanto ng Quezon Ave. at Scout Albano, Quezon City.

Napag-alaman sa rumespondeng follow-up operation sa pamumuno ni P/Insp. Tayo, nagpanggap na parukyano ang pitong lalaki nang makapasok ay umorder pa ng pagkain. Makalipas ang ilang saglit ay nagdeklara ng holdap ang mga suspek, tinutukan ng baril ang kahera, pinadapa ang mga kustomer at iginapos ang mga empleado. Tinangay ng mga suspek ang salapi at mga kagamitan na umabot sa P100,000 ang halaga.

Generals nag-walk out daw sa isang command conference; AFP, nagsalita na