Nets-Heat-Basketball_Luga-389x500

MIAMI (AP)– Nang dumating si Hassan Whiteside sa Miami Heat, si Dwyane Wade ay nasa ilalim ng impresyon na ang nasabing center ay isang baguhan.

Ang kanyang NBA debut ay noon pang 2010.

Ngunit ang kanyang coming-out party ay ngayon pa lamang nangyayari at para sa taas-babang Heat, ito ang perpektong pagkakataon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Umiskor si Chris Bosh ng 26 puntos, habang nakuha ni Wade ang 10 sa kanyang 25 puntos sa stretch at pinutol ng Heat ang kanilang four-game losing streak nang talunin ang Brooklyn Nets, 88-84, kahapon.

‘’A must-win,’’ sabi ni Bosh, na ang koponan ay natalo ng 36 puntos sa Houston noong Linggo. ‘’It didn’t matter who we played.’’

Gumawa si Whiteside ng 11 puntos, napantayan ang career-high na 10 rebounds, at nagtala ng career best na 5 blocked shots sa kanyang 27 minutong paglalaro. Naging malaki ang kanyang kontribusyon sa kalagitnaan ng ikaapat na yugto.

‘’It might not look like I’m there,’’ sambit ni Whiteside. ‘’But I’m there.’’

Nakaiskor ng 19 puntos si Deron Williams, nag-ambag si Brook Lopez ng 16, at 14 naman ang kay Mirza Teletovic para sa Brooklyn, na naipanalo ang anim sa kanilang huling pitong laban at target na makabalik sa itaas sa .500 sa unang pagkakataon mula Nobyembre 12.

Hindi naghabol ang Heat at dahil hindi na madali ang lahat para sa kanila, kinailangan pa rin nilang makipagdikdikan hanggang sa huli.

Isang nine-point lead ng Heat sa huling 4:49 ay natapyas sa tatlo, at nagkaroon ang Nets ng tsansang makatabla sa huling minuto ngunit lumabas ang 3-pointer ni Teletovic.

‘’We couldn’t stop Bosh. We couldn’t stop Wade,’’ sabi ni Nets coach Lionel Hollins. ‘’That was the reason we couldn’t get any closer.’’

Umiskor si Williams ng 13 at 12 naman ang nagmula kay Mason Plumlee para sa Nets, na 0-3 laban sa Miami ngayong season.

‘’I thought we fought hard,’’ ani Johnson. ‘’We had our opportunities, maybe missed a lot of chippies, open shots that we normally make.’’

Lumamang ang Miami, 49-40, sa half at tangan pa rin ang 5 puntos na abante sa third period.

‘’It’s hard to win in this league,’’ lahad ni Heat coach Erik Spoelstra. ‘’It really is. Even in a game like this, when we had to fight it all the way to the end, you don’t take winning for granted when you’re having a season like we (are) right now.’’

Resulta ng ibang laro:

Dallas 109, Cleveland 90

Detroit 114, Sacramento 95

Milwaukee 95, New York 82

Phoenix 125, Toronto 109

LA Lakers 88, Indiana 87