Maghahain ng demanda ang Philippine National Police (PNP) laban sa anim na sibilyan na nagpaputok ng baril sa pagdiriwang ng Bagong Taon sa Narvacan, Ilocos Sur, na naging viral sa Facebook.

Kinilala ni Ilocos Sur Police Provincial Office director, Senior Supt. Nestor Felix ang mga suspek na sina Mark Cachola, Cezar Lutchina Funtanilla, Mark R-Jay Cabana, Jumar Cabreros, Ian Cristopher Calixterio, Russel Funtanilla, Geronimo Gomez at ang may-ari ng Facebook account na si Philip Andrew Funtanilla.

“Maghahain kami ng alarm and scandal case sa korte habang nagsasagawa ng search operation sa mga baril na ginamit sa indiscriminate firing, gaya ng nakita sa Facebook,” sabi ni Felix.

Ang mga bala at baril na ginamit sa kanilang pagpapaputok noong Bagong Taon ay lumabas noong Enero 1 sa Facebook account ni Philip Andrew o Drew Lutchina, ng Barangay San Antonio, Narvacan, Ilocos Sur noong Enero 1.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi naman ni PNP Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor na inaalam na nila ngayon kung may lisensiya o wala ang mga ginamit na baril ng mga suspek.

Sa mga larawan sa video na lumabas noong Enero 1 sa Facebook ay makikitang nagpalitan sa pagpapaputok ng baril ang mga suspek gamit ang .45 caliber pistol habang nagpapakuha sa camera. (Fer Taboy at Freddie Lazaro)