SAN FRANCISCO— Dalawang lalaki ang halos nangangalahati na sa tinaguriang hardest rock climb in the world: isang malayang pag-akyat sa kalahating milyang bahagi ng exposed granite sa Yosemite National Park sa California.

Sinusundan ni Tom Evans, climber at photographer, sina Kevin Jorgeson, 30, ng California, at Tommy Caldwell, 36, ng Colorado, habang sila ay paakyat gamit lamang ang kanilang mga kamay at paa.

Ang El Capitan, ang pinakamalaking monolith ng granite sa mundo, ay may taas na mahigit 3,000 feet (914 meters) sa ibabaw ng Yosemite Valley.

Kapag walang aberya, mararating ng dalawa ang tuktok sa Biyernes o Sabado, ayon kay Josh Lowell ng Big Up Productions.
National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm