JAKARTA (AFP) - Ang panahon ang “triggering factor sa pagbulusok ng AirAsia Flight 8501 isang linggo na ang nakalipas, at posibleng ang pagyeyelo ng makina ng eroplano ang dahilan nito, ayon sa meteorological agency ng Indonesia.

Mula sa Surabaya City sa Indonesia at patungong Singapore ang Airbus A320-200 nang bumagsak ito habang iniiwasan ang bagyo. Pinaghahanap na ng relief workers ang flight data recorders upang matukoy ang tunay na dahilan ng trahedya.

“Based on the available data received on the location of the aircraft’s last contact, the weather was the triggering factor behind the accident. The most probable weather phenomenon was icing which can cause engine damage due to a cooling process,” ayon sa inisyal na ulat na ipinaskil sa website ng BMKG, ang meteorological agency ng Indonesia.
National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte