MARAMI sa atin ang tumatanaw sa pagreretiro bilang simula ng wakas. Paghantong mo sa edad 65, tapos na ang mga araw ng iyong aktibong pag-aambag sa lipunan. Ang pinananabikan mo sa edad na iyon ay ang mga nalalabing taon ng matiwasay na pamumuhay, na wala nang stress at alalahanin; pamumuhay na puno ng pagre-relax at pag-e-enjoy ng maliligayang alaala ng iyong buhay.

Ang malungkot lang, maraming retiree ngayon ang nakatuon lamang sa kung paano gagastusin o tipirin ang pinaghirapan nilang retirement pay. Naroon ang pangamba na balang araw mauubos din iyon bago pa sila pumanaw. Dahil doon, hindi nila natamasa o nasulit ang nalalabi pa nilang mga taon na masaya at maginhawa.

Ngunit kung kandidato ka na sa pagreretiro sa nalalapit na panahon, marami ka pang oras at lakas na gawin ang gusto mo. Gayong hindi ka na kasinlakas o kasinsigla noong beinte anyos ka pa, masyadong malayo pa ang panahon na uupo ka na lamang sa isang tumba-tumba at maggagantsilyo.

Narito ang ilang mungkahi sa kung ano ang maaaring gawin mo sa mga taon ng iyong pagreretiro:

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

  • Lalong patibayin ang pagbubuklod ng pamilya. - Marami sa atin ang nagsasakripisyo ng oras ng pamilya upang tuparin ang requirements ng ating mga career. Ang mga libreng araw at oras sa ating kalendaryo - naku, kakaunti lamang pala niyon - ay hindi naman natin makontrol. Nilalamon ng ating abalang schedules at commitments sa trabaho ang mahahalagang oras na dapat itinutuon natin sa ating mga mahal sa buhay. May ilan sa atin ang hindi na nakatupad ng obligasyong dumalo sa graduation ng kanilang anak o samahan ito sa dentista o sa first communion o kahit na sa libing ng isang kaanak, dahil hindi ito pinahihintulutan sa mga oras ng kanilang mga tungkulin sa trabaho.

Gayong hindi naman tayo makababawi sa mga okasyong naiwaglit, sa pagreretiro tayo magkakaroon ng oportunidad na maglaan ng mas maraming oras sa piling ng ating mga mahal sa buhay.

Sundan bukas.