Iniutos ng Land Transportation Office (LTO) sa mga motorista na kailangan ng mga itong mag-apply ng bagong standardized plates sa pagre-renew ng rehistro ng kanilang sasakyan simula sa susunod na buwan.

Ayon sa LTO, ang mga motorista na nakapag-renew na ng rehistro ngayong Enero ay bibigyan ng option upang makapag-apply ng kapalit nito sa susunod na registration year sa alinmang LTO District Office bago ang expiration ng rehistro.

Sinabi ng ahensiya na ang bagong standardized plates ay nagkakahalaga ng P450.

Pagdidiin ng LTO, maaari lang makuha ang bagong plaka, kasama ang third plate sticker at plate locks, pagkatapos ng 45 araw mula sa araw ng pagpaparehistro.

VP Sara, dinamayan tauhan niyang nakadetine sa Kamara dahil sa contempt order

Ayon pa sa LTO, ang may-ari na ng sasakyan ang magkakabit ng bagong plaka at hindi na rin kailangan pang isuko at maaaring itabi na lang ang pinalitang plaka.