Kumpiyansa si British boxing superstar Amir Khan na papayag ang dati niyang sparring partner na si WBO welterweight champion Manny Pacquiao ng Pilipinas na kaharapin siya kahit gawin ang sagupaan sa United Kingdom.

Kapwa nagsanay sina Khan at Pacquiao sa ilalim ni Hall of Famer Freddie Roach sa Wild Card Gym sa Hollywood, California ngunit kumalas ang Briton sa 2014 Trainer of the Year at lumipat sa pangangalaga ni dating world champion Virgil Hunter.

Gustong makalaban ni Khan si WBC at WBA welterweight champion Floyd Mayweather Jr. ngunit minaliit ng Amerikano ang kakayahan ng Briton sa pay-per-view bout sa unang bahagi ng 2015.

Puwede ring hamunin ni Khan ang kababayang si IBF 147 pounds champion Kell Brook ngunit ang talagang target niyang makaharap ay sina Mayweather at Pacquiao.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“I have proven myself at top level and want the big fights. I would love to fight at Wembley stadium,” sabi ni Khan sa Bolton News sa London. “I believe Manny Pacquiao would come to England and fight me here – that would be good.”

Sinabi naman ng promoter ni Khan na si Golden Boy Promotions President Oscar De La Hoya na mas mabilis ang mga kamao ni Khan kina Pacquiao at Mayweather kaya sinuman ang makaharap ng Briton ay may paglalagyan.

“I would have to say Amir Khan [is faster than Pacquiao, at this stage of their careers. Amir Khan [is faster], by far probably. Amir Khan is only 28-years-old I believe,” sabi ni De La Hoya.

“He is just hitting his peak right now as a fighter. He just moved up to welterweight and he is just settling down. One thing about Amir, he also has fast footwork.”