LAS VEGAS – Maraming MMA fans, at marahil maging kanyang mga kasamahan, ang walang pakialam kay Jon Jones.

Siya raw ay isang huwad. Tinatawag nila siyang arogante.

Totoo man ang mga ito, siya rin ang pinakamagaling na fighter sa mundo sa ngayon. Walang nakakalapit sa galing ng UFC light heavyweight champion, na napanalunan ang apat sa limang rounds sa lahat ng judges cards, upang talunin ang karibal na si Daniel Cormier kahapon sa MGM Grand Garden sa main event ng UFC 182.

“It felt great; he’s only human,” ani Jones sa loob ng cage. “The undefeated DC. All the haters. All the crap he talked, it motivated me. Five takedowns to zero. I’m sorry for not being classy, but I do not like DC, which is why I’m being this way.”

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Nakakagulat na na-out wrestle niya si Cormier, ang two-time Olympic wrestler at captain ng 2008 U.S. men’s freestyle team sa Beijing.

Hindi pa nate-take down si Cormier, ngunit ilang beses itong nagawa ni Jones.

Sa ikalawang round, tila napapatakbo ni Cormier si Jones at nakakonekta sa ilang suntok, kabilang ang isang serye ng uppercuts na nagpamaga sa itaas ng kanang mata ni Jones sa pagtatapos ng round.

Ngunit hindi na nagpalamang si Jones matapos nito, at tinalo ni Jones si Cormier sa kanyang sariling laro.

Nang matapos ang laban, naging malinaw na si Jones ang nagwagi, at tinapos niya ang debate kung sino kina Jose Aldo, Chris Weidman, Cain Velasquez, Anthony Pettis, o iba pa ang No. 1 pound-for-pound.

Ito ay si Jones, at wala itong duda. Maging si Cormier ay sangayon dito.

“I just couldn’t find my rhythm tonight,” aniya. “Jon is the best for a reason and he was the better man tonight.” - Yahoo Sports