Enero 5, 1933 nang sinimulan ang pagpapagawa sa Golden Gate Bridge sa California, na aabot sa 3.25 milyong cubic feet ng lupa ang hinukay ng mga trabahador.
Pagkatapos ng Gold Rush na nagsimula noong 1849, natuklasan ng mga tao na ang hilaga ng San Francisco Bay ay napakahalaga. Iminungkahi ng dating engineering student na si James Wilkins, mamamahayag ng San Francisco Bulletin, ang pagpapagawa ng suspension bridge na may center span na 3,000 talampakan, na nagkakahalaga ng $100 million. Sinabi naman ng San Francisco city engineer na Michael O’Shaughnessy at ng engineer-poet na si Joseph Strauss na kaya nilang maitayo ang tulay sa halagang $25-$30 million.
Mayo 27, 1937 nang opisyal na buksan ang Golden Gate Bridge, na pinakamahaba nang panahong iyon. Nang araw na iyon, halos 200,000 katao ang naglakad sa tulay. Hindi nagtagal, naging isa sa mga landmark ng Amerika ang tulay.