BONGGA naman si Gladys Reyes. Nadagdagan na naman ang bagong negosyong pagkakaabalahan nila ng asawang si Christopher Roxas.

Kamakailan lang ay ipinakilala ni Gladys sa market ang kanyang bagong business, ang Gladys Reyes’ Gluta and Oatmeal Soap with Kalamansi kasama ang ilang eksperto sa paggawa ng sabon.

“Tita ko ang nagma-manufacture, meron din kaming lotion, revitalizing toner, cream soap. New product business for 2015,” banggit pa ni Chic-chic (tawag namin kay Gladys).

Subok na rin daw niya ang nasabing mga produto dahil siya mismo, at pati na ang mga miyembro ng pamilya niya, ang unang gumamit ng mga ito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bukod sa kalusugan, maingat at maalaga si Gladys sa kutis niya na siyempre isa sa mga puhunan niya kung bakit hanggang ngayon ay nasa showbiz pa rin siya.

“More exercise and be healthy ang New Year’s Resolution ko ngayon,” sey pa ni Gladys.

Sa totoo lang naman, isa sa may pinakamagandang kutis sa mga artista si Gladys. Pantay na pantay ang kulay ng balat niya na lagi niyang ipinagmamalaki sa amin noon pa dahil ginagamitan daw siya ng kalamansi ng nanay niya sa buong katawan niya.

Naghahanap ngayon si Gladys ng mga distributor at reseller ng sabon na aniya’y very effective dahil kitang-kita ang epekto nito sa kanyang makinis at maputi na balat.

Busy pa rin siya sa career niya at nadagdagan na naman ang pagkakaabalahan niya. Bukod sa pagiging active member ng MTRCB, siya pa rin ang executive producer ng Moments show niya sa Net 25, isa pa rin siya sa hosts ng Basta Everyday Happy ng GMA-7.

“Sana abangan na rin nila dahil ‘yung Moments namin, eh, pupunta na rin sa iba-ibang bansa this year. Ipapalabas sa linggong ito ‘yung Korea episode namin, isusunod namin ‘yung Singapore then, ‘yung America,” may pagmamalaki pang sey sa amin.