PUMANAW na ang sikat na aktres na si Donna Douglas sa edad na 81. Nakilala siya sa papel bilang tomboy, bilang Elly May Clampett sa fish-out-of-water CBS sitcom na The Beverly Hillbilliess noong 1960. Siya ay pumanaw noong Enero 1, ayon sa WAFB Channel 9 sa Louisiana.

Nakatrabaho ni Douglas si Elvis Presley sa Frankie and Johnny noong 1966 (gumanap siya bilang Frankie, katulad ni Elvis habang nagtatanghal sa Mississippi River riverboat).

Binuo ni Paul Henning ang The Beverly Hillbillies bida si Jed Clampett na ginampanan ni Buddy Ebsen, ang mahirap na tagabundok na ipinaglalaban ang kanyang pag-aari. Ito ay may theme song na “One day he was shooting for some food, and up through the ground come a bubbling crude... Oil that is, black gold, Texas tea.”

Nakakuha ng mataas na ratings ang goofy Filmways Television series na pinagbidahan nina Irene Ryan bilang Granny, ang mother-in-law ni Jed at Max Baer Jr. bilang pinsan ni Jethro. Ito ang nanguna sa loob ng dalawang taon, simula Setyembre 1962 hanggang Marso 1971.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Tinanghal si Douglas bilang Miss New Orleans sa 1957 beauty contest at nagsimulang kumita ng $500 sa isang linggo. At tumaas ng $3,000 sa ika-9 at finale season.

“I didn’t have an agent, but I don’t know if that would have made any difference,” pahayag niya sa The Hollywood Reporter noong 2013.

Inilarawan ng aktres ang pagiging parte ng Elly May sa isang panayam kay Sam Tweedle.

“By this time they had interviewed over 500 girls but had narrowed it down to six, and gave a screen test to only five,” sa kanyang paggunita. “So they had a goat tied up on the set and they asked me, &lsquoDo you reckon you can milk that goat?’ Well, I had never milked a goat in my life but I said, &lsquoSure, I can milk that goat.’ That was my first critter. Over the nine years I probably worked with over 900 different animals. Elly didn’t kiss a lot of men, but she sure kissed a lot of critters.”

Nang magwakas ang nasabing palabas, hindi na gaanong nakita ng publiko si Douglas.

“The two things I am most asked is if I still love critters and can I still whistle like Elly May. The answer is yes to both,” pahayag niya.

Nag-asawa si Douglas sa edad na 17, nagtungo siya sa New York at nagtrabaho bilang modelo, nakuha niya ang atensiyon ng publiko nang mapanood siya sa isang variety show nina Perry Como, Steve Allen at Ed Sullivan. - Yahoo News/Celebrity