WALA nang kumokontra kapag sinasabing ang kasalang Marian Rivera at Dingdong Dantes sa Immaculate Concepcion Church last December 30 ay wedding of the year.

The most expensive diumano ang royal wedding kung susumahin ang gastos. Ang bridal gown na tinahi ni Michael Cinco ay nagkakahalaga ng P2M, may 20 bridesmaids, 40 principal sponsors, 8 archbishops, 7 officiating priests sa ceremony, at mahigit na 700 ang invited guests sa reception sa MOA Arena. Ang 12 feet, 3D wedding cake ay nagkakahalaga rin daw ng milyon.

Perfect and ideal ang nasabing kasal subalit tulad ng iba pang malalaking okasyon na pinag-usapan ng buong lipunang Pinoy ay hindi rin ito nakaligtas sa mga intriga at sa mapagpunang mata ng ilan nating mga kababayan. Napakagastos naman daw yata. Pati na ang pagdalo ng Pangulong Noynoy Aquino sa kasal bilang witness of honor ay kinuwestiyon lalo na sa social media.

Bakit daw naroroon si PNoy samantalang andami nitong dapat asikasuhin sa Malacañang?

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Depensa naman ni Kris Aquino sa kapatid, posted sa kanyang Instagram account, kaibigan ni PNoy ang couple at mananatiling utang na loob ng mga Aquino ang suportang ibinigay nina Dingdong at Marian noong nangangampanya sila noong 2010.

Sa IG photo post ni Kris na kuha kay PNoy kasama ang royal couple ay ito ang nakasaad:

“PNoy w/ the newlyweds. Our family will forever be grateful for the support @dongdantes & @therealmarian gave us 2009-2010 Presidential Campaign. #friendsforlife #DM123014,” ayon sa presidential sister.