ADELAIDE, Australia (AFP) - Mahigit 30 bahay ang nasunog habang inaapula ng mga bombero ang bushfire sa estado ng South Australia kahapon.

Sinabi ng Country Fire Service ng estado na ang matinding sunog na sumiklab noong Biyernes sa Sampson Flat sa Mount Lofty Ranges sa silangan ng Adelaide, ay patuloy na lumalaki sa lahat ng direksiyon, at nagbabanta sa mga buhay.

Mahigit 11,000 ektarya na ang natupok sa Adelaide Hills, isang lugar sa Mount Lofty Ranges na may 40,000 populasyon.

Rep. Ortega may sagot kay VP Sara: 'Patawarin muna ang sarili'