ANG 2015 ay Taon ng Tupa. Tumakbo na ang Kabayo (2014) at hindi na babalik. Alaala na lamang ito kung kaya ang harapin natin ay Bagong Taon. Magsikap tayo, husayan ang pakikipag-kapwa-tao at laging maniwala sa kadakilaan at pagmamahal ng Panginoong Diyos.

Gayunman, ang Tupa kumpara sa Kabayo ay isang maamo at mabait na alagang hayop, pero nakapagtatakang sa pagdating nito, katakut-takot na sunog at aksidente sa mga paputok ang dala-dala. Pito ang namatay at 4,000 pamilya ang nawalan ng bahay sa sunog.

Hangarin ni Pope Francis ngayong taon na sana wala nang maganap pang mga digmaan o matigil na ang mga digmaang umiiral. Sa maraming parte ng mundo ay laganap ang mga labanan, gaya sa Syria, Iraq, Pakistan, Afghanistan, India, Nigeria, Cameroon at iba pa.

Sa Nigeria na lamang, nananalasa ang grupong Boko Haram na nangingidnap ng mga dalagitang mag-aaral at kababaihan. Pinapatay pa nila ang nilulusob na taumbayan na tahimik na namumuhay. Sa mga bansa sa Middle East, pangkaraniwan ang suicide bombing, parang isang ritwal sa paniniwalang mapupunta sa langit o paraiso ang suicide bombers, na nagsagawa ng karahasan sa ngalan ni Allah.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Inihalintulad ni Lolo Kiko ang buhay ng tao sa kuwitis. Sa kanyang misa sa St. Peter’s Basilica noong bisperas ng Bagong Taon, sinabi niya ang ganito: “How we like to be surrounded by so many fireworks, seemingly beautiful, but which in reality last only few minutes.” Ibig niyang sabihin: “Ang buhay ng tao ay maikli lang upang makipagdigmaan”. Dagdag pa niya: “There is a time to be born and a time to die.” Ngayong 2015, mamuhay tayo nang malinis, mapayapa at simple!

Itinanghal na Best Picture ang “Bonifacio: Ang Unang Pangulo”. Malamang na gamitin ang pelikulang ito sa sektor ng edukasyon, para na rin sa dagdag-kaalaman ng ating mga mag-aaral. Tunay ngang napakaraming bayani sa Bayan ni Juan. Hindi nga lamang napag-uukulan ng karampatang pagkilala ang hindi nabanggit sa mga pahina ng kasaysayan.