Nakamit ng Ateneo de Manila ang kanilang ika apat na panalo matapos pataubin ang season host University of the East, 25-14,25-22, 22-25, 25-17, kahapon sa pagpapatuloy ng UAAP Season 77 volleyball tournament as Fil Oil Flying V Arena sa San Juan City.

Nagtala ng 21 puntos si Marco Espejo, habang nagdagdag naman ng 16 puntos si Wilson Marasigan para sa nasabing panalo na nagpatatag ng kapit nila as ika apart name Puerto tag lay ang barahang 4-2 panalo-talo.

Sa kabilang dako, halos mag-isa namang binalikat ng rookie na si Edward Camposano ang laban para as Red Warriors sa itinala nitong 20 puntos.

Dahil sa pagkabigo, nanatiling wala pa ring panalo ang UE matapos ang anim na laro.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Samantala, pinangungunahan nina University of Santo Tomas ace spiker Mark Gil Alfafara at reigning MVP Marck Espejo ang mga nangungunang kandidato para sa MVP race sa.

Nangingibabaw ang Season 75 MVP na si Alfafara sa scoring sa kanyang naitalang 106 puntos na nanggaling sa 95 spikes, 8 blocks at 3 service aces habang nakasunod sa kanay si ESpejo na may 93 puntos, 8 blocks at 7 aces.

Kasama nila sa top 5 best scorers sina University of the East rookie Edward Camposano (82 puntos), ng kakampi ni Alfafara na si Romnick Rico (81) at National University hitter Fauzi Ismail (76).

Tatlo namang players ng Bulldogs ang siyang nangunguna sa spiking, blocks at service batay na rin sa inilabas na statistics ng league official statistician na TMX Sports.

Si Ismail ang siyang namumuno sa spiking na may 56.80 success rating, habang ang Season 76 Finals MVP na si Peter Torres ang may hawak ng league-best 1.11 average per set sa blocks at si Vince Mangulabnan naman ang nangingibabaw sa service sa kanyang 0.56 average per set.

Ang Adamson libero naman na si Rence Melgar ang siyang lider sa digs (3.05 average per set) at receive (46.89 percent efficiency rating), habang ang setter ng Ateneo na si Ish Polvorosa ang siyang nangunguna sa setting na may 9.11 average per set.