WALA palang kuwentang bigyan ng regalo ang isang aktres. Mantaking ang ibinigay sa kanyang Rolex watch ng ex-boyfriend niyang aktor ay ibinenta niya.

Actually, isa kami sa inalukan ng ginawang ahente ng aktres sa pagbebenta ng Rolex junior size at talagang ang ganda, Bossing DMB dahil may diamonds pa sa gilid pero maski na gustung-gusto namin ay wala kaming pambili, he-he-he.

Bumilang ng ilang buwan bago naibenta ng aktres ang mamahaling

relo dahil maraming namahalan at ang nakakatawang parte, nalaman ng ex-boyfriend niyang nagbigay na ibinenta ng ex-girlfriend niya ang regalo niya.

DSWD, ipinag-utos ang agarang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ni Carina

“Hayun, nanghinayang si _____ (aktor) kasi sana siya na lang daw ang kumuha dahil may sentimental value pala ang relong iyon na hindi lang niya mabawi nang maghiwalay sila kasi nahihiya siya.  Inisip niya na itatago iyon ni _____ (aktres) dahil mahal nga, kaya naloka nang malamang ibinenta,” kuwento ng source namin.

Hindi lang malinaw sa amin kung hinahanap ng aktor kung sino ang nakabili ng relong ibinigay niya sa ex-girlfriend dahil gustung-gusto pa rin niya itong bawiin.