IMUS, Cavite – Dalawang bangkay ng babae na pinaniniwalaang sinalvage ang natagpuan nitong weekend sa Cavite City at sa Imus City.

Ang isang bangkay ay natagpuang nakalutang noong Sabado ng gabi ng mga mangingisda sa karagatan ng Barangay VIII sa Dalahican, Cavite City habang ang isa ay nadiskubre sa madamong bahagi ng Bgy. Pasong Buaya II sa Imus, noong Biyernes ng umaga. Kapwa sila walang pagkakakilanlan.

Sinabi ni PO3 Jonathan R. Baclas, na ang lumutang na naaagnas nang bangkay ng babae—na may malalim na sugat sa tiyan, nakatali ang katawan at nakakabitan ng kalahating sako ng buhangin—ay may taas na 5’6”, maputi, balingkinitan, at nakasuot ng red at gray polo shirt, pantalon at leather belt.

Inilibing din agad sa pampublikong sementeryo ang bangkay sa utos ni Dr. Jocelyn Terrado, ng City Health Office.

National

₱150 milyong lotto jackpot, pwede mapasakamay ng lotto bettors ngayong Hulyo 16

Ang bangkay naman na natagpuan sa Imus ay may tama ng baril sa leeg, nasa edad 30-35, may taas na 5’3” at nakasuot ng pantalon at itim na jacket.- Anthony Giron