CANDON CITY, Ilocos Sur – Nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 141 kilo ng pinatuyong marijuana na nagkakahalaga ng halos P493,000 sa isang police checkpoint sa Baguio City noong Biyernes ng gabi.

Apat na katao ang naaresto sa operasyon, ayon sa pulisya.

Kinilala ang mga ito na sina Arnold Fabian Atonen, 20, tubong Barangay Kayapa, Bakun; at Rose Baleg Bentrez, 33, ng BGY. Sagpat, Kibungan, Benguet.

Nadiskubre ang mga bloke ng marijuana sa loob ng van na kinalululanan ng mga suspek.

Probinsya

Lalaki, arestado matapos masamsaman ng ₱13.6M halaga ng shabu, paraphernalia

Habang patuloy ang paghahalughog sa sasakyan, mabilis na nakatakas ang driver ng van na nakilala lang sa pangalang “Brandon.” - Freddie G. Lazaro