Ni GENALYN D. KABILING

Pasensiyahan na lang, pero hindi pipigilan o ipagpapaliban man lang ng gobyerno ang nakatakdang pagtataas ng pasahe ng Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) at ng singil sa tubig sa Metro Manila at Cavite.

Inamin ni Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma Jr. na wala siyang impormasyon tungkol sa anumang pagbabago sa pinaplanong pagtataas sa pasahe at singil sa tubig pero tiniyak na sisiguruhin ng gobyerno ang isang mahusay na railway system at serbisyo ng tubig sa publiko.

“Government continues to implement LRT-MRT service improvement projects. Maintenance is also being diligently performed to ensure passenger safety,” saad sa text message ni Coloma sa mga mamamahayag. “Through MWSS (Metropolitan Waterworks and Sewerage System), continuous water service is also being assured.”

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Umani ng batikos ang Department of Transportation and Communications (DoTC) mula sa iba’t ibang grupo dahil sa wala sa panahong taas-pasahe sa LRT Lines 1 at 2 at MRT 3 simula ngayong Linggo, Enero 4, 2014. Napaulat na plano ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) na hilingin sa Korte Suprema na ipatigil ang anila’y hindi makatarungang taas-pasahe. Gayunman, idinepensa ito ng DoTC at sinabing layunin nitong pagbutihin ang operasyon ng nasabing mga railway system.

Isa pang nagbabantang problema para sa publiko ang inaprubahang taas-singil ng MWSS. Pinahintulutan ang Manila Water Company at Maynilad Water Services na magtaas ng singil simula sa Lunes, Enero 5, para mabayaran ang foreign currency differential adjustment.