TERESA, Rizal – Nakakulong ngayon ang isang tauhan ng Philippine Army matapos magpaputok ng kanyang baril sa pagsalubong sa Bagong Taon, at tinamaan ng ligaw na bala ang isang batang lalaki sa Teresa, Rizal.

Ayon sa report ng Teresa Police kay Rizal Police Provincial Office director Senior Supt. Bernabe Balba, inaresto si Sgt. Gorgonio Bugado, 40, may asawa, nakadestino sa 6th Infantry Division ng 6th Army Training Group sa Awang, Cotabato at nakatira sa Sitio Abuyod, Barangay Dalig, Teresa, Rizal.

Under observation naman sa ospital si Sonny Guzman, limang taong gulang at kalugar ni Bugado, dahil sa tinamong bala ng .45 caliber pistol

POGO dapat tuldukan na, kalampag ni Kiko kay PBBM sa SONA