Isang malaking katanungan sa Philippine Olympic Committee (POC) ang magulong rehistrasyon sa Securities and Exchange Commission (SEC) ng pinag-aagawang Philippine Volleyball Federation (PVF).

Ito ang isa sa mga dahilan kung kaya hindi magpapadala ng kanilang representante ang pribadong organisasyon at nagpahayag na hindi nila kikilalanin ang kasalukuyang interim board ng asosasyon sa volleyball sa eleksiyong magaganap sa Enero 9.

Sinabi ng isang source sa POC na limang katao lamang ang nakalistang opisyal sa bagong rehistrasyon ng PVF sa SEC na binubuo ng kasalukuyang presidente na si Karl Chan, secretary general Rustico Camangian at sina Adrian Paolo Laurel, Nestor Bello at Yul Benosa.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Hindi kasama sina Philip Ella Juico na unang iniupo bilang Chairman at si Ramon “Tatz” Suzara at ilang personahe na kabilang sa mga volleyball stakeholder na nagkasundo para buuin ang isang pansamantalang interim board na dapat sanang mag-aasikaso para sa ipinag-utos ng POC na eleksiyon.

“The POC had told them (PVF) to update their Constitution and By-Laws as well as their memberships and all the needed papers for them to be accorded legitimate memberships. But nothing happens,” sabi ng opisyal.

Ipinaliwanag ng source na binuo ang isang interim board sa harap mismo ni Shanrit Wongprasert, Executive Vice president ng Asian Volleyball Confederation (AVC) for the Southeast Asian Zone noong Hulyo 5 sa Wack-Wack Golf and Country Club.

Itinalaga bilang PVF President si Chan, na siyang dating vice-president habang Chairman si Juico. Itinalagang secretary general si Camangian. Iniupo rin si Dr. Ian Laurel bilang Board Member at In-charge sa Philippine National Teams gayundin si Cagayan Valley Mayor Criselda Antonio bilang Board of Director Member at Finance Director.

Si Suzara, na siyang organizer ng Philippine Super Liga, ay isa sa Board of Director at In-Charge ng International Affairs habang si Benosa ang Rules of the Games Commission Director at si Bello naman ang Referee’s Director.

Ang dating PAVA president na si Roger Banzuela ay kasama sa Board of Director at In-charge sa Visayas at Mindanao habang si Gary Jamili ang Technical Director at si Shakey’s V-League president Palou ang Marketing Director.

Gayunman, isa pang interim board ang binuo noong Mayo 31, 2013 kung saan kabilang sa nakalista sina Pedro Mendoza, (chairman), Generoso Dungo, (president), WM Karl Geoffrey Chan II (vice-president), Victor Abalos, (commissioner), Roger Banzuela, (treasurer), Minerva Dulce Pante, (auditor), Nestor Bello, (chairman ng Referees Commission), Yul Benosa, (chairman ng Rules of the Game), Adrian Paolo Laurel, (PRO) at mga Board of Director na sina Jose Gary Jamili, Edgardo Cantada, Marvin Trinidad, Alfredo Ynfante at Virginia de Jesus.