BOSTON (AP)- Itinala ni Rajon Rondo ang unang 10 puntos ng Mavericks sa kanyang pagbabalik sa Boston, tumapos na may season-high 29 kahapon upang pamunuan ang Dallas sa 119-101 victory kontra sa Celtics.

Taglay ni Rondo ang career-high na limang 3-pointers at tumapos din na may 6 rebounds at 5 assists sa kanyang unang laro sa TD Garden na gamit ang uniporme ng kalaban. Ipinamigay ng rebuilding Celtics ang four-time All-Star sa Dallas noong nakaraang taon.

Umiskor si Monta Ellis ng 22 puntos, inasinta ni Dirk Nowitzki ang 17 habang kinolekta ni Tyson Chandler ang 16 rebounds upang tulungan ang Mavericks sa kanilang ikaapat na sunod na pagwawagi.

Isinalansan ni Avery Bradley ang 22 puntos para sa Celtics, at ipinoste ni Tyler Zeller ang 17 puntos at 10 rebounds.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Itinarak ni Rondo ang career-high na 15 puntos sa unang quarter upang ipagkaloob sa Dallas ang 14-point lead. Isinagawa ng Mavericks ang 13-0 run at sa pagtatapos ng third upang dalhin ito sa 92-64. Tinapyas ng Celtics ang pagka-iwan sa 10 puntos, may nalalabi pang 6 minuto sa orasan.

Subalit humirit si Rondo sa kanyang jumper at pagkatapos ay angdagdag pa ng pag-agaw ng bola at assist upang dalhin ang iskor sa 105-90, may 4:45 sa laro.

Tumanggap si Rondo ng napakaingay na ovation nang siya’y ipakilala sa pregame warm-up. Inagaw nito ang bola sa pagkakabitaw ni Jared Sullinger mula sa unang posesyon ng Boston, ipinasa kay Tyson Chandler na isinagawa naman ang layup.

Sinundan ito ni Rondo ng pares ng 3-pointers at isa pang layup bago asistahan sa jumper ni Nowitzki. Nagpahinga si Rondo sa bench sa loob ng 4 minuto at muling nagbalik upang humirit ng isa pang 3-pointer sa pagtatapos ng quarter upang ibigay sa Dallas ang 31-17 lead.

Ang video bago ang second period ay ang collection ng greatest passes ni Rondo, ilang key shots at ilang defensive moves. Nagtapos ito na may shot sa ‘08 championship banner, ang ika-17 sa kasaysayan ng franchise, at isang litrato na yakap nito ang golden trophy kasama ang caption na, ‘’Thank You Rajon!’’

Pawang nagsipalakpakan ang dalawang koponan kung saan ay lumakad siya sa korte at saka kumaway sa crowd.

TIP-INS

Mavericks: Maliban kay Rondo, ang Mavs ay 6-for-20 sa shooting sa unang quarter. ... Umiskor si Rondo ng mahigit sa 15 puntos sa isang quarter ng tatlong beses sa Celtics, ang lahat ay sa third quarter at ang lahat ng ito ay noong 2008-09 season.

Celtics: May kumbinasyon sina Jameer Nelson, Brandan Wright at Jae Crowder, nanggaling sa Dallas para pumalit kay Rondo, ng 11 puntos.