Kasong administratibo at kriminal ang kakaharapin ng pasaway na pulis ng Batasan Police station Quezon City Police District (QCPD) makaraang magpaputok ng baril bago mag-Bagong Taon sa Sauyo Road, Novaliches, Quezon City.

Kinilala ni QCPD Director Chief Supt. Joel Pagdilao, ang suspek na si PO2 Rommel Mitra, nakatalaga sa nabanggit na istasyon ng pulisya.

Ayon kay Pagdilao, isang nagngangalang Eddie dela Cruz ang nag-report sa Novaliches Police Station 4 noong nakaraang Disyembre 28, 2014 na nagpaputok ng baril si PO2 Mitra sa No. 85 Sauyo Road, Novaliches, Quezon City.

Batay sa reklamo ni Dela Cruz, dakong 7:00 ng gabi sa nasabing petsa habang nag-iinuman sa lugar sina PO2 Mitra at mga kasama nito ay nagpapaputok ng baril ang pulis.

National

VP Sara, kinumpirma pag-relieve ng 75 personnel na itinalaga para sa proteksyon niya

Kaugnay nito, ay inaresto si PO2 Dela Cruz ng mga awtoridad at sinampahan ng kasong alarm and scandal at administratibo para sa grave misconduct sa ilalim ng Pre-Charge sa Quezon City Prosecutor’s Office.