VIENNA (AP) – Pansamantalang nagkasundo ang Iran at Amerika sa isang formula na inaasahan ng Washington ay makababawas sa kakayahan ng Tehran na gumawa ng nukleyar na armas sa pamamagitan ng pagbibiyahe sa Russia ng maramihan sa mga materyales na kinakailangan sa paggawa ng nasabing mga armas, ayon sa mga diplomat.
Sa isa pang positibong senyales, sinabi ng dalawang diplomat sa Associated Press na sa unang pagkakataon ay lumikha ang mga negosyador ng isang catalog na nagbibigay-diin sa mga probisyon ng potensiyal na kasunduan at sa magkakaibang paraan upang maresolba ang mga hindi pagkakasundo.
Itinakda sa Enero 15 ang susunod na pulong ng Iran-six power.