HONOLULU (AP) – Inihayag ng Amerika na ang bagong mga sanction laban sa North Korea ay simula pa lang ng tugon ng una sa cyberattack sa Sony na isinisisi sa komunistang bansa. Gayunman, mistulang walang epekto ang pagsisikap ng Amerika na i-isolate ang isang bansang iilan lang ang kaibigan sa mundo.

At bagamat ang huling sanction na inilabas ni US President Barack Obama ay isang executive order, hindi naman magiging malaki ang epekto nito sa North Korea, dahil umiiral na ang istriktong sanction ng Amerika sa rehimen kaugnay ng programang nukleyar nito.

Maaapektuhan ng huling parusa ng Amerika sa North Korea ang tatlong organisasyong may kaugnayan sa defense apparatus ng bansa, bukod pa sa 10 katao na empleyado ng nasabing mga grupo o ng gobyerno ng North. Ang anumang pag-aari na mayroon sila sa Amerika ay ipi-freeze, at pagbabawalan silang gumamit ng financial system ng Amerika.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho