Sinabi ni Jori Loiz, weather specialist ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), na naitala ang 20.5 degrees Celsius sa Metro Manila dakong 5:00 ng umaga kahapon.

Naitala naman sa Baguio City ang 11.2 degrees Celsius.

Paliwanag nito, mas lalamig pa o makakukuha pa ng mas mababang temperatura ang mga lugar na ito sa susunod na mga araw.

Aniya, magpapatuloy ang mababang temperatura sa Luzon lalo na at peak season ng amihan ngayong buwan.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“Talagang halos ‘yung tail-end natin ay mas bumaba pa ang epekto, ibig sabihin niyan mas lumalakas pa ‘yung amihan natin so asahan talaga na bababa pa ‘yung temperature natin,” anito.

Kaugnay nito, patuloy na nakaaapekto sa Eastern Visayas at ilang bahagi ng Mindanao ang tailend ng cold front.

Kabilang sa makakaranas ng maulap na papawirin na may mahina hanggang katamtamang pag-ulan at pagkulog-pagkidlat sa Mindanao ang CARAGA at Davao Regions.