Kasabay ng pagbabalik-trabaho ng milyun-milyong manggagawa bukas, nagkaisa ang Labor Coalition sa pananawagan kina Pangulong Benigno S. Aquino III at Department of Transportation and Communication (DoTC) Secretary Joseph Emilio Abaya na sumakay sa Metro Rail Transit (MRT) bukas upang madama ang kalbaryo ng mga pasahero sa gitna ng pagpapatupad ng dagdagpasahe sa MRT at Light Rail Transit (LRT) ngayong Linggo.

Bukod kina PNoy at Abaya, hinahamon din ng grupo ang iba pang opisyal ng gobyerno na subukan ding sumakay sa MRT para maramdaman nila ang hirap ng mga pasahero na dahilan ng kanilang pagkontra sa pagtataas ng pasahe sa mass transit system.

Ang nasabing hamon ay bilang pagkondena sa pagpapatupad ng DoTC ng bagong fare matrix sa MRT at LRT na itataas sa 50 hanggang 87 porsiyento epektibo ngayong Linggo.

Itinaas ang pasahe ng MRT at LRT sa P28 mula sa dating rate na P12 hanggang P15.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“Pagkatapos ng pagkuha ng iyong mga tiket, ito ay nasa sa iyo kung paano mo dalhin ang iyong sarili sa loob ng tren. Maaari mong ulitin ang prosesong ito 12 beses sa isang linggo upang makuha ang tunay na pakiramdam ng kung paano magdusa ang mga ordinaryong manggagawa sa pagsakay at pagbaba sa MRT,” pahayag ng grupong manggagawa sa hamon kay PNoy.

Iba’t ibang sektor ng lipunan ang sumasalungat sa pagpapatupad ng fare hike sa MRT at LRT, na nagsasabing dapat na manatiling subsidized ang sistema.

Ang nasabing grupo ay handa nang magsagawa ng pagkilos sa Lunes para mariing kondenahin ang fare hike sa parehong dulo ng MRT station sa Pasay Rotonda at North Avenue.

Sa survey ng Nielsen noong 2009, ang mga pasahero ng MRT at LRT ay pawang blue at white collar worker, estudyante, at mga unemployed.

Inamin ni Abaya na ang kikitain sa pagtataas ng pasahe ay hindi mapupunta sa service upgrade sa halip ay ilalaan sa equity rental payment sa Metro Rail Transit Corporation (MRTC).