Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa lungsod ng Maynila sa Biyernes, Enero 9, upang bigyang daan ang kapistahan ng Poong Nazareno na dinarayo ng milyun-milyong deboto.

Ayon kay Manila Mayor Joseph Estrada, layunin nitong mapangalagaan ang kapakanan ng mga mag-aaral at hindi sila mai-stranded sa prusisyon na inaasahang magdudulot ng matinding pagsisikip ng trapiko.

Inalerto aniya na ng lokal na pamahalaang ang lahat ng ospital sa siyudad, Manila Police District (MPD), Engineering Department ng city hall at maging ang environment sanitation services sa ikinasang prusisyon.

Magpapakalat din aniya ng civil disturbance control unit ang MPD sa mga kritikal na lugar tulad ng city hall at iba pang lugar na daraanan ng traslacion ng imahe ng Mahal na Poon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Inaasahan makikipagpulong ang alklade kay Monsignor Jose Clemente Ignacio, rector ng Quiapo Church, kaugnay sa mga paghahanda ng city government.

Kaugnay nito, umapela naman ang environment watchdog na EcoWaste Coalition sa milyong deboto ng Nazareno na iwasang magkalat sa mga daraanan ng prusisyon.

Gayunman, iginiit ng grupo na mas maipapakita nila ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan nang pangangalaga sa kalikasan.

Iginiit ng grupo na nababalewala ang tunay na kahulugan ng traslacion kung nagkakalat naman ang mga ito mga kalsadang daraanan ng prusisyon, na nagpapakita ng kawalan ng paggalang hindi lamang sa kalikasan ngunit maging sa Panginoon.