NITONG nakaraang Biyernes sa episode ng KrisTV ay may panauhing psychic si Kris Aquino na nagbigay ng predictions sa ilan nating sikat na celebrities. Pero ang tumatak sa curiosity ng viewers ay ang sinabi ng psychic na posibleng maghiwalay ngayong 2015 ang magka-love team na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Kung sa kanilang love team sila maghihiwalay o sa kanilang personal na buhay, ‘yan daw ang aabangan ng mga tao ngayong Year of The Wooden Sheep.

Sinabi ng psychic na mag-uumpisang lumamlam ang kanilang tambalan kapag ipinareha si Daniel sa ibang leading lady. May paalaala pa ang manghuhula tungkol sa “third parties” na siyang sisira sa kanilang tambalan.

Minsan nang nagkatampuhan sina Kathryn at Daniel nang maugnay ang pangalan ng huli sa isang ‘audio scandal’ with Jasmine Curtis-Smith at puwedeng ito ang pinagbasehan ng psychic. Dahil sa kakapiranggot na isyung kinasangkutan nina Daniel at Jasmine ay muntik nang masira ang KathNiel love team. Ano pa nga ba ang posibleng mangyari kung may sisingit pang ibang babae at maugnay uli kay Daniel this 2015, baka nga magkaroon ng giyera between Daniel and KathNiel fans.

DSWD, ipinag-utos ang agarang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ni Carina

Natatandaan namin ang sabi ng mahusay na yumaong psychic na si Jojo Acuin na ang hula ay magsisilbing gabay lamang sa buhay ng isang tao. Tanging Diyos lamang ang makakapagsabi kung ano ang landas na tutunguhin ng bawat nilalang sa mundo. Maaaring magkatotoo o magiging isang hula lamang sa kahulugan ng salitang ‘di sigurado’.

Sana rin ay i-prove ng dalawa na mali ang hula dahil nakakapanghinayang naman kung matatapos kaagad ang kanilang pagiging Teen King and Queen ng entertainment industry. Kumbaga sila ang Guy and Pip ng bagong henerason dahil bawat gawin nilang commercials, pelikula at TV series, lagi silang nangunguna.

Pero hindi man lamang nahulaan ng psychic na panauhin ni Kris na ang 2015 ay magiging taon pa rin ng KathNiel dahil inaabangan na ang tambalan ng dalawa sa remake ng Pangako Sa ‘Yo na unang pinagbidahan ng reel and real life sweethearts din noon na sina Jericho Rosales at Kristine Hermosa na ngayo’y may kani-kanya nang asawa.

Habang umeere ang PSY, gagawin din nina Kathryn at Daniel ang isang pelikula na pang-Valentine offering ng Star Cinema.