BEIJING (AP)— Ang mga imahe ng naglulutangang bangkay at wreckage sa karagatan ng Indonesia ay nagdulot ng matinding pighati sa mga kamag-anak ng mga sakay ng AirAsia Flight 8501 ngunit nagbigay din ito ng mga kasagutan na inaasam naman ng iba pang pamilya sa halos 10-buwang nakalipas.

Ang mga mahal sa buhay ng mga nakasakay sa Malaysia Airlines Flight 370 ay nangangarap na lamang kung ano ang nangyari sa kanila, at umaasa na isang araw ay malalaman din nila kung ano ang nangyari.

“We have been living in anxiety, fear and hate, and our lives have been utterly messed up, but we as ordinary people are unable to do anything,” sabi ni Dai Shuqin, na ang kapatid na babae ay sakay ng nawawalang eroplano kasama ang kanyang asawa, anak na babae, manugang na lalaki at apo.

Kung ano ang nangyari sa MH370, na lumipad noong Marso 8 mula Kuala Lumpur, Malaysia, patungong Beijing, ay nananatiling misteryo. Ang jetliner ay naglaho matapos lumihis sa ruta at lumipad nang ilang oras habang naka-disable ang communications systems nito. Pinaniniwalaang bumulusok ito may 1,800 kilometro (1,100 miles) sa west coast ng Australia, ngunit walang nakitang bakas ng 239 kataong sakay nito — karamihan ay mga Chinese — sa kabila ng malawak at nagpapatuloy na paghahanap.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Nang mabalitaan na nawalan ng contact ang eroplano ng AirAsia noong Linggo ng umaga, sinabi ng mga kamag-anak ng MH370 na kaagad silang nakisimpatiya sa mga pamilya ng na nasa katulad din nilang posisyon noong Marso 8. “I can feel the coldness they are feeling now,” sabi ni Jiang Hui, na ang ina ay sakay ng MH370.

Makalipad ang dalawang araw, nang maranaw ang debris sa dagat, iba na ang istorya. Ang ilang pamilya ng mga biktimang Malaysian Airlines Flight 370 ay tila nakaramdam na ng inggit.

Ang mga pamilya ng sakay ng AirAsia flight “are luckier than us, because they know what happened soon afterward,” sabi ni Song Chunjie, na ang kapatid na babae ay sakay ng eroplano pauwi mula sa isang photography holiday. “Knowing the bad news is painful, but it’s even more painful for us to live with uncertainty and have to wait to know what actually happened.”

“They can find (Osama) bin Laden, he’s just a single person,” added the 50-year-old businessman. “How can they not find such a big airplane? .... We must get the answers that can stop such a tragedy happening again in the future.”

Simula nang maglaho ang Flight 370, nagtutulungan ang mga pamilya ng mga nawawala upang malagpasan ang hinagpis at bigat ng wala nang nalalaman.

Sinabi ni Dr. George Hu, clinical psychologist sa Beijing United Family Hospital and Clinics, na ang mga kamag-anak ng mga pasahero ng MH370 ay nakararanas ng psychological phenomenon na katulad ng nararansan din ng mga magulang ng mga batang dinukot.

“Worse than grief is the not knowing, the in-between, do I grieve or do I hope. That’s hard,” aniya. “It’s a very difficult place for the psyche to be and many people would say it’s worse than grief.”

Tiniyak ni President Xi Jinping noong Miyerkules na hindi kinalimutan ang mga nawawalang pasahero.

Nagtatanong ngayon ang mga kamag-anak ng mga pasahero kung kailan o kung matutuldukan pa ang waiting game.

“If there’s no conclusion, you think there’s still hope,” sabi ng isa sa kanila, si Steve Wang, na ipinagpapatuloy ang buhay na tila normal upang hindi na mag-aalala sa kanya ang ibang tao.

“Maybe the mystery will never be solved,” dagdag niya. “Maybe it will take a very, very long time: 3 years, 5 years, 10 years or 20 years. Anything’s possible.”