Enero 4, 1999 nang ilunsad ang euro currency sa 11 bansa sa Europe na planong gamiting financial unit para sa pamumuhunan at merkado. Layunin nitong pasiglahin ang ekonomiya ng Europe.

Ang paglulunsad ay sinundan ng matitinding negosasyon, krisis sa pulitika at paghahanda ng ekonomiya.

Sa unang araw ng paglulunsad, nagsara ang isang euro sa halagang katumbas ng $1.17 U.S. dollars sa foreign exchange. Noong Enero 1, 2002 ay pinalitan na ng Austria, Belgium, Finland, France, Germany, Ireland, Italy, Luxembourg, Netherlands, Portugal, Spain at Greece ang kanilang pera sa euro.

Binubuo ng 19 na bansa ang eurozone. Ang iba pang European countries na nais mapabilang ay kinakailangang makapasa sa “convergence criteria,” at maaprubahan ng konseho ng European Union (EU).

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Ginawa ang euro sa pamamagitan ng 1992 Maastricht Treaty sa EU at may pitong perang papel at walong barya.