Jennylyn-at-Derek-copy

UMABOT na sa 97 theaters ang English Only Please kaya naman pala nag-number 4 na ito sa ranking ng box office income sa mga pelikulang kalahok sa 2014 Metro Manila Film Festival at tantiya rin namin ay nakabawi na ang producers sa nagastos nila sa pelikula nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado na hindi naman kamahalan kung ikukumpara sa mga kasabayang pelikula na punumpuno ng special effects kaya mas mahal.

Nananatili pa rin sa dating puwesto ang The Amazing Praybeyt Benjamin, Feng Shui 2 at My Big Bossing, ayon sa pagkakasunod. Biglang pumasok sa big league ang English Only, Please, sosyal!

Kaya pala balita namin ay kinukuha na kaagad ng kilalang producer ang serbisyo nina Derek at Jen para sa next project nito dahil may chemistry talaga ang dalawa. Oo nga, akalain mo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nalaman din namin na nanghihinayang daw ang GMA management na hindi nila sinuportahan si Jen sa promotion ng English Only, Please gayong contract star nila ito.

Mabuti na lang at hindi nagtatampo sa kanila ang aktres na mas pinaboran nila ang Shake Rattle Roll at Kubot: The Aswang Chronicles na nabawi na kaya ang puhunan? Sa presscon nito sa Executive Lounge ng GMA network, sinabi ni Dondon Monteverde, isa sa producers, na umabot sa mahigit P80M ang production cost nila.

Samantala, kampante na ang producers ng mga pelikulang The Amazing Praybeyt Benjamin, Feng Shui 2 at My Big Bossing dahil nakatitiyak kaming nakabawi na sila sa puhunan.

E, ang Bonifacio: Ang Unang Pangulo at Muslim Magnum .357, waley pa rin, tsk tsk tsk. Sabi nga ng kakilala naming producer, “Ang laki ng talo ng producer sa Bonifacio kasi nag-invest siya ng P5M, eh, malaki puhunan no’n.”

Aray!