KALIBO, Aklan - Isang cargo barge na nag-deliver ng semento ang sumadsad sa Barangay Cawayan sa New Washington, Aklan.

Sa text message kahapon ng boat captain ng M/V SF Carrier sa isang television network, sinabi nito na nag-shelter lang sila dahil sa malakas na alon.

Pero kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na sumadsad ang nasabing barko kaninang 3:00 ng umaga makaraang mag-deliver ng semento sa Aklan.

Inaabangan na ng PCG ang posibilidad ng oil spill dahil sa pagkakasadsad ng barge.

Generals nag-walk out daw sa isang command conference; AFP, nagsalita na