TAHIMIK pero masayang-masayang ipinagdiwang ni Pokwang bilang babaeng Santa Claus ang Kapaskuhan sa piling ng kapuspalad nating mga kababayan.

POKWANG-150x150Kasama sa mga binahagihan ng aktres ng kanyang mga biyayang natanggap nu’ng nagdaang taon ang mga nasa mental hospital at ganoon ang ilang breast cancer patients.

Pinasyalan ni Pokwang ang National Mental Hospital at inalam sa mga namamahala kung ano ang puwede niyang maitulong na agad mapakikinabangan ng mga kababayan nating nagkaroon ng diperensiya sa pag-iisip.

Nalaman ng aktres na kailangan ng mga pasyente ng naturang hospital ang electric fans kaya agad-agad niya itong ibinigay. Kuwento ng komedyana, naawa siya sa mga pasyente, lalong-lalo na sa matatanda na ilang taon na ang inaalagaan sa loob.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Bago naman sumapit ang Pasko ay namigay din si Pokwang ng mga gamit ng mga batang nangangailangan at pati na rin sa mga pasyenteng nakikipaglaban sa “breast cancer”.

Hindi rin kinalimutan ni Pokwang na may mga kamag-anak siyang nangangailangan din ng tulong niya. Kaya namudmod din siya ng regalo para sa kanila.

“Ayoko kasi ng isang bagsakan ang bigay sa kanila and then nganga sila ‘pag New Year. So nagbahagi ako sa kanila bago ang Christmas and heto nga, pang-New Year naman ang ibinigay ko sa kanila,” banggit pa ng komedyana.

Tuwang-tuwa naman si Pokwang dahil sa pagpasok ng 2015 ay tatlo agad ang gagawin niyang project. Kasama siya sa seryeng Nathaniel at sa January 14 ay palabas na rin ang pelikula niyang Mrs. Edsa Woolworth.