May bombang pasasabugin ang Philippine Olympic Committee (POC) sa darating na eleksiyon ng mga nag-aagawan sa liderato ng Philippine Volleyball Federation (PVF) sa Enero 9.

Ito ang napag-alaman sa isang mataas na opisyal ng POC na matagal nang ipinag-utos ang pagpapatawag ng isang general assembly sa asosasyon matapos magsumite ng kanyang indefinite leave of absence ang dating pangulo na si Gener Dungo subalit hindi naganap sa nakalipas na dalawang taon.

“They created an interim board but the POC did not accept it,” sabi ng opisyal.

“Their marching order was to submit their list of stakeholders, call for a general assembly so as to report the situation of the association and then held an election if necessary,” paliwanag ng opisyal.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Gayunman, hindi nangyari ang iniutos ng POC na magbibigay daan sana upang kilalanin bilang lehitimong miyembro ang asosasyon. Lalong nagkagulo sa asosasyon makaraang lumutang ang mga dating opisyal ng PVF at maging ang dating presidente na si Dungo.

Lalo pang nasadlak sa kontrobersiya ang PVF nang bumuo ang POC ng 5-man committee, base na rin sa basbas ng internasyonal na asosasyon na FIVB at kinaaanibang rehiyon na Asian Volleyball Confederation (AVC), upang resolbahin ang pag-aagawan sa liderato at ayusin ang direksiyon ng asosasyon.

Isiniwalat pa ng opisyal na isasagawa ang mahahalagang aktibidad na nakatakda para sa pagpapatawag ng try-out para sa Under 23 na isasabak sa 1st AVC Women’s Under 23 sa Mayo 1-6 sa Cuneta Astrodome at MOA.