Inihayag ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang pangalan ng unang batch ng mga Pinoy na qualified household service worker (HSWS) mula sa Hong Kong na babalik na sa Pilipinas upang magturo sa mga pampublikong paaralan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na 10 overseas Filipino worker (OFW) ang nagsumite na ng aplikasyon matapos mapunan ang kinakailangang teaching experience at pumasa sa Licensure Examination for Teachers (LET) na pinangasiwaan ng Professional Regulation Commission (PRC) sa Hong Kong.

Kukunin ng Department of Education (DepEd) ang 10 Pinoy domestic helper sa ilalim ng programang “Sa ‘Pinas, Ikaw ang Ma’am/Sir”  upang mapunan ang 40,300 job vacancy para sa karagdagang guro kaugnay ng ipinatutupad na K to 12 program ng gobyerno.

Tiniyak ni Bureau of Local Employment (BLE) Director Nikki Tutay, na nangangasiwa sa pagpapatupad ng assessment ng mga HSWS sa Hong Kong, na ipinoproseso na ang mga dokumento ng 10 Pinoy domestic helper.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kabilang sa unang batch ng aplikante na pumasa sa programa ay sina Cristina B. Pimentel, Rosemelinda A. Castillo, Bravo Miluz, Mary Grace A. Jimenez, Lorna P. Tabernero, Helen A. Nalupa, Gertrudes D. Baliclic, Assen Shierra A. Biggayan, Mia C. Garcia, at Joan S. Kirit.

Ayon pa kay Baldoz, pagkakalooban ng posisyon na Teacher I ang bawat HSWS at tatanggap ng buwanang sahod na P20,549 bukod pa sa Cost of Living Allowance na nagkakahalaga ng P2,000. - Samuel P. Medenilla