SA kalagayan ng paulit-ulit na pahayag na wala naman talagang kakapusan sa supply sa kuryente, pagninipis lamang ng mga reserba, sa summer, ang pag-apruba ng emergency power na hinahangad ni Pangulong Aquino ay itinaguyod sa Senado.

Agad na inaprubahan ng Kamara de Representantes ang Resolution No. 21 na nagkakaloob sa Pangulo ng emergency power upang tugunan ang problema. Sa Senado, gayunman, ang Committee on Energy sa pamumuno ni Sen. Sergio Osmeña III, ay hindi nakakita ng pangangailangan na suspindehin ang ilang batas at regulasyon na ipinanukala ng resolusyon.

Kabilang sa mga batas na ipinanukalang suspindehin ay ang Clean Air Act at ang Solid Waste Disposal Act. Ang emergency power resolution, sa kasalukuyan nitong anyo, ay magpapahintulot sa pagkukumpleto ng ilang power plant na ipinahinto dahil sa paglabag ng mga ito sa environmental laws.

Sa halip na Resolution No. 21 na aprubado ng Kamara, waring aaprubahan lamang ng Senado ang suspensiyon ng Biofuels Act upang pahintulutan ang mga power plant na gumamit ng purong diesel fuel sa kritikal na dalawang buwang pinangangambahang kakapusan. Sa panahong ito, isang planta – ang Kepco-Ilijan plant sa Batangas - ang nangakong magsu-supply ng karagdagang 500 megawatts.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Walang dudang may ilang anyo ng emergency power ang maaaprubahan kalaunan. Ngunit, salamat sa Senado, may limitasyon ang emergency power at hindi ito gagamitin upang pahintulutan ang ilang operator na labagin ang environmental laws.

Kaugnay nito, may ilang hakbang ang waring determinadong isinusulong ng ilang opisyal, hindi isinaalang-alang ang mga pagtutol ng ilang grupo. Kabilang dito ang dagdag-pasahe ng MRT at LRT na ipatutupad sa Enero 4 nang hindi man lang nagbigay sa mga commuter ng pampalubag-loob na gagamitin ang pagtataas ng pasahe sa pagpapahusay ng serbisyo ng train systems.

Maaaring isipin ng Senado na ang pasahe ng MRT-LRT – kasama na ang mga pagkasira ng mga bagon at riles – ay nararapat sa masusing imbestigasyon. Maaaring magtagumpay ito sa pagkamit ng impormasyon, tulad ng tagumpay ng Senate Committee on Energy sa pagbibigay-linaw sa isyu ng emergency power.