BAGUIO CITY – Inihayag ng Police Regional Office (PRO)-Cordillera ang paglalaan ng P100,000 pabuya sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon o makapagtuturo sa nagpaputok ng baril na naging sanhi ng pagkamatay ng isang mag-aaral ng elementarya sa Tayum, Abra.

Nabatid kay Chief Supt. Isagani Nerez, regional director, na ang reward ay boluntaryong inialok ng grupo ng PNP Civilian Pro-Peace Supporters, sa ilalim ng Guardians Reform Advocacy and Cooperation towards Economic Prosperity.

Sinabi ni Nerez hawak na ng PNP Crime Laboratory Service ang slug ng .45 caliber pistol na nakuha sa ulo ni Jercy Buenafe, 11, Grade 4, ng Barangay Bumangcat, Tayum, Abra. Namatay siya habang ginagamot sa Abra Provincial Hospital dakong 3:30 ng hapon nitong Huwebes.

Sugatan din sa ligaw na bala sina Elmer Balungday, 23, ng Bgy. Cagandungan, Luna, Apayao; Danny Santiago, ng La Trinidad, Benguet; at isang taga-Manabo, Abra. - Rizaldy Comanda
National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya