NARITO ang ikalawang bahagi ng ating paksa tungkol sa mga paraan upang maging mas masaya ang 2015. Inaalok ko na subukan
mo ang mga ito:
- Magbaon ng payong, kapote, at jacket. - Magdala rin ng ekstrang damit. Hindi mo masasabi kung kailan uulan o aaraw at mas mainam na ang laging handa sa ano mang lagay ng panahon. At kung makulimlim, i-enjoy mo ang ganoong lagay ng panahon sapagkat masarap matulog sa hapon.
- Gumising nang maaga. - Simulan mo ang iyong araw sa isang masayang hakbang, isang masayang gunita. Ang mga unang oras ng umaga ay puno ng spiritual energy.
- Count your blessings araw-araw. – Ang pagpapasalamat sa Diyos sa lahat ng bagay na iyong ini-enjoy ay isa sa pangunahing sangkap upang mabuhay nang masaya. Gawin mong habit ang pasasalamat sa Diyos at ang kaligayahan ay magiging iyo.
- Ang galing ko! - Purihin mo (nang palihim ha) ang iyong sarili dahil sa tagumpay ng iyong ginawa. Tanggapin mong magaling ka sa maraming larangan pati na ang positibo mong mga katangian.
- Nakakahawa ang kaligayahan. - Paligiran mo ang iyong sarili ng masasayang kasama - mga kaibigan at kamag-anak na naniniwala sa iyong kakayahan at mga pangarap.
- Magtakda sa iyong kalendaryo ng quiet time. - Sa quiet time na iyon, wala mung TV, radio, cellphone, Internet surfing. Magpahinga. Mag-meditate. Manalangin.
- Tingnan mo ang iyong sarili sa future. - Magtakda ng goal at magplano kung paano mo mararating iyon. Tanggapin mo ang mga bagay na hindi mo na mababago. Ang pagtatakda ng isang bagay na mahalaga sa atin ay laging nagdudulot ng kaligayahan.