Sharon, mahihirapan sa comeback

Ni MICHAEL JOE T. DELIZO

KRIS-Aquino-Reggee-150x150EXCITING ang Year of the Wooden Sheep para sa ilan sa mga pinakasikat sa bansa kung magkakatotoo ang mga hula sa kanila ng mga soothsayer na sina Robert Das at Maricell Gaskell:

EXTENDED

National

₱150 milyong lotto jackpot, pwede mapasakamay ng lotto bettors ngayong Hulyo 16

Umingay ang pangalan ni Robert Das nang hulaan niya noong unang bahagi ng 2014 na mabubuntis ni Coco Martin si Kris Aquino.

Nagkamali siya. Ni hindi man lang magkarelasyon ang dalawa hanggang sa sinusulat ang artikulong ito.

Ngunit sa panayam sa kanya sa Gandang Gabi Vice kamakailan, ay iginiit ito ni Robert. Aniya, “Masyado lang maiksi ’yung time na ibinigay ko. ’Yung nakita ko no’n, (na) si Sir Coco Martin saka si Ma’am Kris Aquino magkakaanak ng babae, i-retain natin ’yan from 2015 to 2017.”

Iba naman ang nakikita ni Maricell para kay Kris, sinabing makakahanap ng pag-ibig ang Queen of All Media ngayong 2015.

“Magiging makulay (ang love life niya) for 2015. Merong special someone. May special someone na iyan sa 2015,” sinabi niya sa panayam ng Startalk.

BABY BOSSING?

Mas kumpiyansa naman si Maricell kina Pauleen Luna at Vic Sotto. Ayon sa kanya, posibleng magkaanak ang dalawa ngayong 2015.

“Hindi ko kasi nakita iyong marriage for 2015. Pero there’s a possibility na magkakaroon sila ng baby. Mas nakikita ko iyon.”

Sinabi rin ni Maricell na mauunang magkaanak ang bagong kasal na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes kaysa kina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero na ikakasal sa Pebrero 15.

SHARON-Cuneta-150x150

SI SHARON BILANG PULITIKO

Inilarawan ang 2014 bilang “most horrible” at “worst year” sa kanyang buhay, sinabi ni Maricell na mahihirapan si Sharon Cuneta na magbalik-showbiz ngayong taon. Aniya, mas mainam kung pulitika na lang ang tutukan ng Megastar. Aniya, “Kahit ayaw niya, talagang du’n siya mapupunta.”

PULITIKANG MASALIMUOT

Inirekomenda namang kumuha ng mga bagong adviser ang suspendidong sina Senators Jinggoy Estrada at Bong Revilla, na kapwa nakakulong dahil sa mga kasong plunder at graft.

“Kung puwede lang, makinig sila sa mga tamang tao. Maaayos naman ’yung mga problema eh. Kasi (sa case nila) ’yung signs talaga play a vital role. It so happened kasi ’yung sign ng presidente natin, kalaban talaga ng sign ng dalawa kaya may conflict talaga,” ani Maricell.

Si Senator Bong ay isinilang sa Year of The Horse, habang Year of the Rabbit naman ipinanganak ni Senator Jinggoy. Si Pangulong Noynoy Aquino ay isinilang sa Year of the Rat.