Mayroong 17 pista opisyal, kabilang ang walong long weekends.

Sa bisa ng Proclamation No. 831 na nilagdaan ni Pangulong Aquino noong Hulyo 17, 2014, 10 ang regular holiday habang pito ang special non-working holiday para sa 2015.

Kabilang sa regular holiday ang: New Year’s Day (Enero 1 – Huwebes); Maundy Thursday (Abril 2); Good Friday (Abril 3); Araw ng Kagitingan (Abril 9 – Huwebes); Labor Day (Mayo 1 – Biyernes); Independence Day (Hunyo 12 – Biyernes); National Heroes’ Day (Agosto 31); Bonifacio Day (Nobyembre 30 – Lunes); Christmas Day (Disyembre 25 – Biyernes); at Rizal Day (Disyembre 30 – Miyerkules.

Kabilang naman sa special non-working day ang: Enero 2 (Biyernes); Chinese New Year (Pebrero 19 – Huwebes); Black Saturday (Abril 4); Ninoy Aquino Day (Agosto 21 – Biyernes); All Saints Day (Nobyembre 1 – Sunday); Christmas Eve (Disyembre 24 – Huwebes); at New Year’s Eve (Disyembre 31 – Huwebes).

National

Magnitude 4.3 na lindol, tumama sa Davao Occidental

Ang anibersaryo ng EDSA People Power Revolution na ipinagdiriwang tuwing Pebrero 25 (Miyerkules) ay magiging special holiday para sa lahat ng paaralan.

Ngayong taon, aabangan ng publiko ang walong long weekends: Enero 1 at 2, New Year (Huwebes at Biyernes); Abril 2 (Maundy Thursday), Abril 3 (Good Friday), at Abril 4 (Black Saturday); Mayo 1, Labor Day (Biyernes); Hunyo 12, Independence Day (Biyernes); Agosto 21, Ninoy Aquino Day (Biyernes); Agosto 31, National Heroes’ Day (Lunes); Nobyembre 30, Bonifacio Day (Lunes); at Disyembre 24 (Christmas Eve) at Disyembre 25, Christmas Day (Huwebes at Biyernes.

Maglalabas din ng hiwalay na Proclamation na nagdedeklarang national holiday ang pag-obserba ng Eid’l Fit’r at Eid’l Adha matapos matukoy ang mga petsa ng Islamic holidays batay sa Islamic calendar, lunar calendar, o sa Islamic astronomical calculations.