LIHIM na pinakasalan ng aktor na si Joseph Gordon-Levitt ang kanyang nobya na si Tasha McCauley sa kanilang tahanan noong Sabado, Disyembre 20, na kinumpirma ng kanilang tagapagsalita sa USWeekly.

Ang Don Jon star, 33, ay kilala sa pagiging pribado pagdating sa personal na buhay. Isang beses lamang niya ibinahagi na may isang espesyal na tao sa kanyang buhay noong 2013.

“I think I’m a pretty good person and a good boyfriend. Yeah, I just wouldn’t want to be with someone who was disrespectful to me,” sinabi niya kay Howard Stern, nang walang binanggit na pangalan. “[She’s] not in show business.”

“I think that I could partner up with somebody -- I don’t know who that somebody is -- I could partner up with a woman and commit to we’re going to raise a family and that’s a project we’re going to commit to for 20-something years,” pahayag nito. “I like to not be too committed to any one future that’s really far away, necessarily, unless there’s a reason, which is why I’m saying if you’re gonna raise a family...I can make that commitment.” - US Weekly
National

LPA, nabuo sa loob ng PAR matapos ang paglabas ng bagyong Carina