PANGKALAN BUN/JAKARTA, Indonesia (Reuters)– Sumali ang international experts na mayroong mga sophisticated acoustic detection device sa search teams na sumusuyod sa dagat sa isla ng Borneo noong Biyernes para hanapin ang black box flight recorders ng bumulusok na Indonesia AirAsia passenger jet.

Hinadlangan ng masamang panahon ang paghahanap, kayat hindi maaninag ng divers ang wreck ng Airbus A320-200, na bumulusok noong Linggo sa biyahe nito mula sa lungsod ng Surabaya sa Indonesia patungong Singapore sakay ang 162 katao.

Nakasentro ang paghahanap ng Indonesian-led search sa wreck ng Flight QZ8501 sa hilagang Java Sea, malapit sa Karimata Strait, kung saan narekober ang 10 bangkay at piraso ng nawasak na eroplano. Walang natagpuan na survivors.

“With the increasing amount of evidence and data, it’s very likely we’re getting closer to the fuselage of the AirAsia aircraft, based on what has been detected by sea vessels,” pahayag ni Supriadi, operations director ng Indonesian search and rescue agency, sa mamamahayag.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Dalawang barko na may kargang hydrophones, o underwater listening devices, ang umalis sa southern Borneo port ng Pangkalan Bun noong Biyernes, ayon sa mga opisyal ng Indonesia.

Sakay ng isang barko ang mga eksperto mula sa BEA accident investigation agency ng France, na humahawak sa pagbulusok ng lahat ng eroplano ng Airbus.